Corpus, bagong CIDG chief
MANILA, Philippines — May bagong crime buster ang Philippine National Police na tutugis sa mga drug lord at iba pang mga organisadong kriminal, sa panibagong balasahan sa PNP.
Itinalaga si Chief Supt. Amador Corpus na dating director ng Police Regional Office (PRO) 3 bilang Chief ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kapalit ng nagretirong si Director Roel Obusan.
Pangunahing responsibilidad ni Corpus bilang PNP-CIDG Director ang tugisin ang mga organisadong sindikatong kriminal, drug lord at iba pa.
Kabilang dito ang pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim na nabigong maaresto sa kabila ng ipinalabas na warrant of arrest ng korte laban dito mahigit 3 buwan na ang nakalilipas. Ang PNP-CIDG rin ang pangunahing magpapatupad ng pag-aresto laban kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa sandaling magpalabas na ang korte ng warrant of arrest.
- Latest