^

Bansa

Batas vs pagmumura giit ng Obispo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Batas vs pagmumura giit ng Obispo
Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico mahalagang mapalakas ang ganitong uri ng batas upang matutuhan ng mga kabataan ang paggamit ng mga angkop na salita na hindi nakakasakit sa kapwa tulad ng pagmumura.

MANILA, Philippines — Hinimok ng Obispo ang mga mambabatas na lumikha ng batas na nagbabawal sa pagsasalita ng bastos at pagmumura lalo na sa pampublikong mga lugar.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico mahalagang mapalakas ang ganitong uri ng batas upang matutuhan ng mga kabataan ang paggamit ng mga angkop na salita na hindi nakakasakit sa kapwa tulad ng pagmumura.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagpapatupad ng ordinansa sa Baguio City na Anti-Profanity Ordinance, na nagbabawal sa pagsasalita ng mga bastos na salita at pagmumura sa mga pi­ling institusyon at lugar na madalas pinupuntahan ng mga kabataan.

Paliwanag ng Obispo sa ganitong pamamaraan ay mahuhubog ang kabataan tungo sa ma­buting asal lalo na’t may ilang matataas na opis­yal ng pamahalaan ang hayagang nagmumura sa publiko na napapanood at naririnig ng mga kabataan.

Binigyang-diin din dito na ang kalapastanganan sa pagsasalita ay nakasisira sa moral at dignidad ng pagkatao na dapat mawakasan bago makasira ng isang indibidwal.

vuukle comment

VICTOR BENDICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with