P1.8-B pinsala ni Rosita sa agri
MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.8 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura ng nagdaang bagyong Rosita sa bansa.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 90,052 ektarya ng taniman ang sinalanta sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at sa Regions 1, 2 at 3 partikular sa Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Zambales.
Sinabi ni DA Secretary Manny Piñol na ang mga pananim na palay ang higit na napinsala ni Rosita o may 4,921 magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.
Anya, bukod sa pataniman ng palay ay ang pataniman ng mais ang sumunod na napinsala at ang pangisdaan.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na kahit na grabe ang pinsala ni Rosita sa mga palayan ay hindi naman kukulangin ang suplay dahil sapat ang imbak na bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
- Latest