NDRRMC naghahanda na kay ‘Rosita’
MANILA, Philippines — Nagsimula ng maghanda ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa posibleng paghagupit ng bagyong Rosita lalo na sa mga lugar na tatahakin nito.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas, ipapatupad nila ang kahalintulad na level of preparedness sa nakaraang bagyong Ompong.
Sinabi ni Posadas may pagpupulong na silang ginawa sa mga concerned government agencies sa pakikipagtulungan ng mga local government units.
Napanatili ng bagyong Rosita ang kaniyang lakas na 200 kph at bugso na 245 kph.
Sa Martes nakatakda itong mag-landfall sa Cagayan, Isabela at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.
Dahil dito kaya magdudulot ito ng light to moderate na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Bataan at lalawigan ng Zambales.
Asahan din na magiging maulan sa buong bansa hanggang sa araw ng Undas o Nobyembre 1 dulot ni Rosita.
- Latest