^

Bansa

Mahigit 3,000 erring rice traders, nahuli ng NFA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mahigit 3,000 erring rice traders, nahuli ng NFA
Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas R. Escarez, ang mga na­huli ay mula sa ginawang pag-iinspeksiyon ng mga tauhan sa may 95,000 business establishments mula July hanggang September ngayong taon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinuli ng mga tau-han ng National Food Authority (NFA) ang nasa kabuuang 3,828 erring rice traders ma­karaang isagawa ang pinatinding market monitoring ngayong 3rd quarter ng taon.

Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas R. Escarez, ang mga na­huli ay mula sa ginawang pag-iinspeksiyon ng mga tauhan sa may 95,000 business establishments mula July hanggang September ngayong taon.

Bunga nito, nakali-kom naman ang NFA ng kabuuang P1,576,379.00 multa mula sa mga lumabag sa batas.

“This is a testament to our continuing effort to curb illegal activities by unscrupulous rice traders in the industry. The agency will continue its fight against rice traders who are ille­gally rebagging and diverting NFA rice, and those who are hoarding rice stocks to increase the market price of commer­cial rice,” pahayag ni Escarez.

Nangako naman si Escarez na gagawing sa­pat ang suplay ng bigas sa bawat pamilya gayundin ang pagpapairal ng “Suggested Retail Price” sa bigas para sa kapaka­nan ng mamamayan.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RICE TRADERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with