Walang Pinoy sa Indonesia quake-tsunami - DFA

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasawi o nasaktan sa magnitude 7.2 na lindol at tsunami sa Indonesia kung saan umakyat na sa mahigit 800 ang patay.
Ayon kay Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, ligtas ang nag-iisang Pilipino na nasa Palu City kung saan nangyari ang insidente.
Natukoy na ang naturang Pinoy ay nakapiit sa Lapas Penitentiary dahil sa isang kaso.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Pilipinas sa pamilya ng mga biktima, gayundin ay nag-alay ng dasal para sa mga naulila.
“We grieve with our Indonesian brothers and sisters and stand hand in hand with them in praying for all of those who lost their lives in this tragedy,” ani Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.
Tiniyak naman ng Malacañang ang kahandaan ng Pilipinas para rumesponde at magpaabot ng tulong sa Indonesia.
Inaasahan pa na posibleng tataas ang bilang ng mga casualties kasunod ng mga nangyaring aftershocks.
- Latest

















