Buffer stock ng NFA, 3 araw lang
MANILA, Philippines — Aabutin lamang ng tatlong araw ang buffer stock ng National Food Authority (NFA) kung ikakalat itong lahat sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez batay sa P2.2 milyong bags ng bigas na kasalukuyang nasa kanilang warehouse, sa daungan at suplay na papasok ng Pilipinas.
Sabi ni Estoperez, hindi naman kaagad mauubos ang naturang stock dahil hindi naman NFA lamang ang bigas sa merkado kundi pati na ang commercial at household rice.
Ang normal buffer stock ay tumatagal ng 30 araw sa panahon ng anihan at mas matagal kung panahon ng lean months ‘pag buwan ng Agosto.
Bago naman anya maubos ang buffer stock ay paparating na ang dagdag na bigas mula naman sa ani ng mga magsasaka sa kalagitnaan ng Setyembre.
Calibrated din anya ang distribution ng bigas sa iba’t ibang mga lalawigan maliban na lamang sa Batanes, Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-tawi na higit na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
- Latest