2019 holidays inilabas na ng Palasyo
MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng Malacañang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2019.
Sa Proclamation No. 555 na pinirmahan ng Pangulo, magkakaroon ng 10 regular holidays na ang mga sumusunod: New Year’s Day (January 1), Araw ng Kagitingan (April 9), Maundy Thursday (April 18), Good Friday (April 19), Labor Day (May 1), Independence Day (June 12), National Heroes Day (August 26), Bonifacio Day (November 30), Christmas Day (December 25), Rizal Day (December 30).
Samantala, siyam naman ang special non-working holidays: Chinese New Year (February 5), EDSA People Power Revolution Anniversary (Feb. 25), Black Saturday (April 20), Ninoy Aquino Day (August 21), All Saint’s Day (November 1), Feast of Immaculate Concepcion (December 8).
Samantala sa huling araw ng 2019, mayroong karagdagang dalawang araw na special non-working holiday sa November 2 at December 24.
Habang ang Eid’l Fitr at Eid’l Adha na kasama rin sa national holidays ay irerekomenda pa ng Commission on Muslim Filipinos ang magiging petsa.
- Latest