^

Bansa

Meralco may taas singil ngayong Agosto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco may taas singil ngayong Agosto
Ayon sa Meralco, mahigit dalawang sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang madaragdag sa singil sa kuryente ngayong Agosto.
File Photo

MANILA, Philippines — Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga panguna­hing bilihin ay magtataas din ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa Meralco, mahigit dalawang sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang madaragdag sa singil sa kuryente ngayong Agosto.

Sinabi ng Meralco, ang P0.0265/kWh dagdag singil ay nangangahulugan ng P5.30 dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan at P7.95 para sa kumokonsumo ng 300 kwh.

Aabot naman sa P10.60 ang dagdag sa bayarin ng mga household na nakakagamit ng 400 kwh na kuryente sa isang buwan, at P13.25 sa 500 kwh.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na may taas-singil ang Meralco ngayong 2018.

MERALCO RATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with