DOJ binawalan nang maglabas ng HDO
MANILA, Philippines — Ititigil na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng kautusan na nagbabawal sa isang indibidwal na makalabas sa bansa.
Kasunod ito ng pagtanggal ng Supreme Court ng karapatan sa DOJ na maglabas ng direktiba gaya ng hold departure order (HDO).
Sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevara, na bukod sa HDO ay hindi na rin sila pinayagan na maglabas ng watchlist orders at immigration lookout bulletin orders.
Aminado rin ang kalihim na sa nasabing kautusan ay mabilis ng matatakasan ng isang indibidwal ang kasong kinakaharap nito.
Tiniyak na lamang nito na magsasagawa na lamang sila ng ibang paraan para hindi agad na makaalis sa bansa ang sinumang indibidwal na may kinakaharap na kaso.
Nauna rito, naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na hindi otorisado ang DOJ para pagbawalang umalis ng bansa ang isang tao dahil ito ay isang uri ng paglabag sa karapatang bumiyahe.
- Latest