^

Bansa

Libreng medical services sa mga Pinoy tiniyak ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Libreng medical services sa mga Pinoy tiniyak ni Digong
Sa 85th Annual Natio­nal Convention of the Philippine Public Health Association na isinagawa sa Davao City, sinabi ng Pangulo na patuloy na magta-trabaho ang kanyang administrasyon upang maabot ang target na maging libre na ang serbisyong pangkalusugan sa bansa.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Duterte na nananatiling isa sa mga prayoridad ng Duterte administration ang mapagkalooban ang mga Pilipino ng maayos na healthcare system.

Sa 85th Annual Natio­nal Convention of the Philippine Public Health Association na isinagawa sa Davao City, sinabi ng Pangulo na patuloy na magta-trabaho ang kanyang administrasyon upang maabot ang target na maging libre na ang serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Tiniyak din ng Pangulo, hindi siya magdadalawang isip na ibuhos ang pondo para sa health care service gayung ang makikinabang naman dito ay ang taong bayan.

Basta’t sa ikabubuti aniya ng mga Pilipino ay mamamalaging bukas ang kanyang pananaw at gugulin ang resources ng pamahalaan para sa bayan.

Kaugnay nito, inatasan na ng Presidente ang health personnel na makipag-ugnayan sa mga barangay health workers upang magsagawa ng health monitoring sa mga komunidad.

MEDICAL SERVICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with