Duterte frat brod bagong Comelec commissioner
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Duterte si Atty. Antonio Kho Jr. bilang pinakabagong Commission on Elections (Comelec) member.
Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go, nilagdaan kahapon ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Kho bilang kapalit sa nabakanteng posisyon ni Comelec chairman Sherrif Abas bilang commissioner.
Nang maitalaga kasing chairman ng komisyon si Abas, nabakante nito ang posisyon bilang commissioner.
Si Atty. Kho ay dating undersecretary ng Department of Justice (DoJ) na naghain ng courtesy resignation noong nakaraang buwan matapos hilingin ni bagong Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagbibitiw ng lahat ng undersecretaries na itinalaga noon ni dating Sec. Vitaliano Aguirre II.
Kabilang sa malaking kaso na hinawakan ni Kho habang ito ay nasa DoJ pa ay nang pangunahan niya ang task force sa reinvestigation ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Sinasabing si Kho ay isang bar topnotcher mula sa San Beda College of Law at fraternity brother ni Duterte at Aguirre sa Lex Talionis Fraternity.
Si Kho ay magsisilbi sa komisyon ng hanggang taong 2022.
- Latest