Burador ng Federal Charter isusumite na sa Kongreso
MANILA, Philippines — Isusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang draft ng federal charter na binalangkas ng Consultative Committee na pinamumunuan ni Retired Chief Justice Reynato Puno.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinumite kahapon ng Concom kay Pangulong Duterte ang kopya ng burador na federal charter sa Malacañang.
Ayon kay Roque, umaasa rin ang Palasyo na bibigyang-bigat ng Kongreso ang nilalaman ng draft charter kung saan babaguhin ang porma ng gobyerno mula presidential unitary patungong federal system.
Wika pa ni Roque, ipauubaya ng Palasyo sa mga kaalyadong mambabatas sa Kamara at Senado ang pagtalakay sa draft federal constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).
Nilinaw din ni Roque, sa ilalim sa transitory provision ng federal constitution maaaring mamuno lamang si Pangulong Duterte hanggang 2022 hanggang sa may mailuklok na bagong pangulo ng bansa sa ilalim ng federal system.
- Latest