P9 pasahe sa jeep epektibo na
MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng kautusan ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa naaprubahang P1 provisional fare increase sa lahat ng pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon kahapon.
Bunga nito, epektibo nang makapapaningil ang mga driver ng minimum na pasahe sa jeep na P9.00 mula sa P8 para sa apat na kilometro at wala namang taas singil sa succeeding kilometers.
Ang written order para sa P1 provisional increase ay tugon ng LTFRB board sa petisyon ng jeepney group na maitaas na ang singil sa pasahe sa jeep dahil sa matinding epekto sa kanilang kita ng oil price hike, excise tax, mataas na mga bayarin at halaga ng mga pangunahing bilihin, spare parts at iba pa.
Ang iba namang rehiyon na walang naisampang fare hike petition sa LTFRB ay walang gagawing fare adjustment.
Ipinaalala rin ng LTFRB na patuloy na bigyan ng 20 percent discount ang mga mag-aaral, may kapansanan at elderly.
- Latest