Pres. Rody mas gusting lalaki ang mga staff
MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Duterte na ayaw niya ng babae bilang tauhan o staff dahil marami siyang utos na mas mabilis na magagawa ng isang lalaki.
Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi sa Davao City, sinabi ng Pangulo na may mga utos siyang hindi magagawa ng babae.
“Wala akong ano sa… Sabi ayaw ko ng babae, ayaw ko talaga ng babae. Gusto ko lalaki kasi marami akong utos. Suddenly, I would just tell you, “You go to Marawi because nobody is supervising there.” Mapagawa ko ba ‘yan sa babae? Ipasubo mo?” pahayag ng Pangulo.
Ayon pa sa Pangulo, nasanay na siya sa mga lalaki pero inilalagay naman niya ang mga babae sa posisyong nararapat sa kanila katulad ng sa Department of Tourism.
Matatandaan na sa ilalim ng administrasyong Duterte, unang itinalaga niya bilang kalihim ng DOT si Wanda Tulfo Teo at sinundan ng kasalukuyang kalihim na si Sec. Bernadette Romulo Puyat.
Pero nilinaw din ng Pangulo na hindi naman siya “woman hater” o galit sa mga babae.
“Misogynist? I’m just trying to call your attention that you’re doing it the wrong way. Ang lalaki ng --- tapos idiin niyo nang mabuti. “Bakit ang kili-kili nito may bola… Kailan pa man ako nag-ano ng babae? Totoo man ‘yan. Hindi pala ako makasalita,” sabi ng Pangulo.
Ikinuwento pa ng Pangulo ang isang pangyayari sa Davao City kung saan ipinalit niya ang sarili upang mapalaya ang 16 na kababaihang bihag at isang bata.
“Para lang mabuhay ang babae pati bata. Woman-hater ako? Sixteen women plus one child were taken hostage in the penal colony in Panabo… Ganyan ang set up. So sabi ko, “Bitawan mo ‘yang bata pati babae. Ako na,” kuwento ng Pangulo.
- Latest