^

Bansa

Work stoppage sa Hanjin shipyard inilabas ng DOLE

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Work stoppage sa Hanjin shipyard inilabas ng DOLE
Ang WSO ay inisyu batay sa resulta ng Accident Investigation sa naganap na pangyayari sa worksite ng Hanjin shipyard nito lamang nakaraang linggo.
Photo from AMD/MPD-SBMA

MANILA, Philippines — Bunsod ng isang insidente sa shipyard site na nagresulta sa pagkasawi ng isang manggagawa at pagkasugat ng tatlong iba pa, hindi na nagdalawang isip pa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kautusang Work Stoppage Order (WSO) sa Binictican I-Tech Corporation, isang subcontractor ng Hanjin Heavy Industries Corporation Philippines (HHIC Phils).

Ang WSO ay inisyu batay sa resulta ng Accident Investigation sa naganap na pangyayari sa worksite ng Hanjin shipyard nito lamang nakaraang linggo.

Agad na iniulat ni DOLE-3 Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang nangyaring insidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang manggagawa habang sugatan naman ang tatlong iba pa.

Pawang mga residente ng mga bayan sa Zambales ang mga na­sugatang manggagawa na sina Gerry Bayuta, Johnny Alegre, at Vailian Dela Cruz. Agad silang dinala sa pinakamalapit na ospital upang bigyan ng lunas.

Matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa ospital ay binawian naman ng buhay ang biktimang sina Ferdinand Leuterio at Valian dela Cruz.

HANJIN SHIPYARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with