^

Bansa

Aquino ‘no show’ sa Dengvaxia probe

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “No-show” si dating Pangulong Noynoy Aquino sa unang araw ng preliminary investigation sa reklamong inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng Vanguard of the Philippine Constitution, Inc. (VPCI) kaugnay ng kontrobersiya sa Dengvaxia.

Pawang abugado lamang ni Aquino ang nagpunta sa katauhan ni Atty. Mildred Umali na tumanggap ng kopya ng mga reklamo. 

Hindi rin sumipot sina dating Health secretary Janet Garin at kasalukuyang DOH Secretary Francisco Duque habang ang mga opisyal ng Zuellig Pharma ay nagpadala na lamang din ng abugado. 

Nagawa namang makasipot ng ilan sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH na respondent din sa reklamo. 

Sa gitna ng pagdinig, ipinaliwanag naman ni Senior Assistant State Prosecutor Rossanne Balauag ang desisyon ng panel of prosecutors na ituloy ang pagdinig sa kaso. 

Aniya, dahil hindi lamang naman reklamong katiwalian ang inihain ng VACC at VCPI kundi may kasama ring mga paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code gaya ng technical malversation, criminal negligence at paglabag sa Procurement Law, ang kaso ay sakop ng hurisdiksyon ng DOJ. 

Itinakda naman ng panel ang susunod na pagdinig sa Hunyo 4 para sa pagsusumite ng mga respondent ng counter affidavit. 

Magpapalabas din ng panibagong subpoena para sa walong opisyal ng Sanofi Pasteur na respondent din sa reklamo at hindi nakadalo sa pagdinig kahapon at hindi rin nakapagpadala ng abugado.

Related video

vuukle comment

DENGVAXIA

NOYNOY AQUINO

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with