^

Bansa

P60-M bayad sa TV ads ng DOT isosoli ng Bitag

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P60-M bayad sa TV ads ng DOT isosoli ng Bitag
Ito naman ang idiniin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado at tagapagsalita ng Tulfo brothers.
Bitag Live, Facebook

MANILA, Philippines — Nagpasya na ang Bitag Media Unlimited Inc. na isoli na lamang ang P60 milyong ibinayad ng Department of  Tourism para sa kanilang TV advertisement.

Ito naman ang idiniin ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado at  tagapagsalita  ng Tulfo brothers.

Nalagay sa kontrobersiya ang nasabing TV ads ng DOT sa PTV-4 dahil kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo  ang may ari ng Bitag na si Ben Tulfo.

Nabatid na lumabas din ang advertisement sa programa ng magkakapatid na Tulfo sa programang ‘Kilos Pronto’.

Una nang sinabi ni Teo na wala siyang nakikitang conflict of interest sa nasabing isyu dahil wala siyang alam sa usapan ng  PTV 4 at DOT.

Desisyon umano ng PTV4 na ilagay ang ads sa programa ng kanyang kapatid dahil mataas umano ang ratings. Ang nasabing progra­ma na nasa ilalim ng pro­duksiyon ng Bitag Media Unlimited Inc. ay block timer sa nasabing PTV 4.

Sinabi pa ni Topacio na gagawan umano ng paraan ni Erwin Tulfo na maibalik ang P60 milyon kahit nagastos na.

Dagdag pa ni Topacio, magbibitiw na rin  sa puwesto si Tourism Infras­tructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Director Roberto Teo na asawa ni  Wanda.

Gayunman nilinaw nito na si Roberto ay appointed ni dating Pangulong Benigno Aquino. Matagal na aniyang naghain ito ng resignation subalit hindi inaaksiyunan ng Pangulo.

Related video:

BITAG MEDIA UNLIMITED INC.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with