^

Bansa

Singil sa kuryente hindi na dapat tumaas sa susunod na 60 araw

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na dapat magkaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente sa susunod na dalawang buwan o 60 araw.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian chairman ng Senate committee on energy nakita na niya na nag-increase ang Meralco ng 23 centavos per kilowatt hour at epekto ito nang pagtaas ng presyo ng coal at pagbaba ng halaga ng peso.

“April-May, more or less, summer months (nagtaas). Nakita ko nag-increase na ang Me­ralco ng 23 centavos per kilowatt hour, so ito na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng coal, pag-depreciate ng peso,” sabi ni Gatchalian.

Sa tantiya ni Gat­chalian, hindi na dapat magkaroon pa ng pagtaas sa singil sa kur­yente dahil walang dahilan upang tumaas ang presyo ng coal.

Ang pagtaas umano ng 23 centavos per kilowatt hour na ipinatupad ng Meralco ay inaasahan na. 

KURYENTE

SENATOR SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with