^

Bansa

PNP may bagong chopper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa wakas may bago ng Bell chopper ang Philippine National Police  (PNP) na magagamit laban sa anti-drugs, anti -terrorism at anti- criminality campaign.

Kahapon ay pinangunahan ni outgoing PNP Chief P/ Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa ang pagpapasinaya sa bagong biling P435M Bell chopper mula sa bansang Canada.

Sinabi ni dela Rosa na multi role ang nasabing twin engine aircraft na maga­gamit sa pagpapalakas pa ng kapabilidad ng PNP  sa anumang hamon kontra terorismo, kriminalidad at maging sa giyera kontra droga.

“The PNP’s acquisition of Bell 429 twin engine rotary wing aircraft will greatly enhanced the operational flexibility by providing air support to ground troops”, anang opisyal.

“A brand new air asset will bolster the operational capability of the PNP in addressing criminality, terrorism, and other police emergencies that require air ground operations,” pahayag ni dela Rosa.

Ang nasabing Bell chopper ang sinakyan ni dela Rosa kasama ang iba pang mga opisyal sa pagtungo nito sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan ito binigyan ng testimonial parade and honor.

Ayon kay dela Rosa ang nasabing aircraft ay idiniliber noong Abril 12 ng taon o 3 buwang maaga sa iskedyul.

Samantalang dalawa pang Bell choppers ang ide-deliver sa PNP sa susunod na taon.

CHOPPER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with