Duterte nag-sorry sa Luneta hostage
MANILA, Philippines — Humingi na nang paumanhin si Pangulong Duterte sa Hong Kong sa naganap na Luneta hostage crisis noong Agosto 2010 kung saan walong HK tourists ang nasawi.
Isinabay nito ang paghingi ng sorry nang ito ay nagtalumpati sa harap ng mga Filipino sa Hong Kong.
Ipinaliwanag nito na walang naganap na pormal na apology noon si dating Pangulong Benigno Aquino III kaya siya na lamang ang gumawa.
“From the bottom of my heart, as the President of the Republic of the Philippines, and in behalf of the Filipino people, may I apologize formally to you now. We are sorry that the incident happened and as humanly possible I would like to make this guarantee also that it will never happen again. I hope this would go a long way to really assuage the feeling of the Chinese people and government,” ang naging pahayag ng Pangulo.
Magugunitang 8 ang napatay ng dating pulis na si Rolando Mendoza nang i-hostage niya ang bus na puno ng turista noong Agosto 2010.
Mula noon ay humihingi ang HK nang paumanhin mula sa Pilipinas subalit hindi ito naganap.
- Latest