^

Bansa

Basang ballot boxes nakita sa Naga

Pilipino Star Ngayon
Basang ballot boxes nakita sa Naga

MANILA, Philippines — Basa at may mga putul-putol na damo ang ballot boxes na natagpuan sa balwarte ni Vice President Leni Robredo na Naga City sa pag-usad ng recount sa 2016 national elections.

Muling kinuwestyon ng kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kinahinatnan ng ballot boxes na sa kanilang paniniwala ay matinding patunay na may kababalaghang naganap kaya nanalo si Robredo.

“We are convinced that more evidence of fraud, ballot box tampering and vote padding are to come out validating our case that the 2016 election for vice president is the worse in history,” pahayag ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez.

BASAHIN: Audit logs na hinahanap ni Bongbong, nasa Comelec – Robredo camp

Nauna nang tinukoy ng kampo ni Marcos ang kaparehong mga basang ballot boxes sa bayan ng Bato at Baao na parehong sakop din ng mga muling bibilanging boto ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Bukod dito ay mayroon din umanong hindi nagamit na mga balota ngunit may shade sa pangalan ni Robredo.

Natuklasan ang ballot boxes sa Naga matapos itong buksan ng House of Representatives Electoral Tribunal na nagsimula naman ng recount ng congressional election para sa ikatlong distrito ng lalawigan sa pagitan nina Rep. Gabriel Bordado at natalong si Luis Villafuerte.

Hinahanap din ng kampo ni Marcos ang nawawalang audit logs sa bayan ng Bato.

Sinabi ng kampo ni Robredo na nasa Commission on Elections (Comelec) ang hinahanap na audit logs ni Marcos base sa Section 29, F ng Comelec Resolution 10057.

Pinabulaanan naman ng beteranong election lawyer ni Robredo na si Romulo Macalintal ang mga paratang ni Rodriguez na aniya’y walang saysay ang pinagsasabi.

“The problem is Mr. Vic Rodriguez is not an election lawyer. He is not the election lawyer of Mr. Marcos. The election lawyer of Mr. Marcos is Mr. George Garcia,” sabi ni Macalintal.

Hindi na bago umano ang mga basang balota sa Pilipinas, ngunit maaari namang makumpirma ang mga boto sa ballot images.

“Why is that Mr. George Garcia is not talking about all the circumstances? Because it would be a great embarrassment for an election lawyer to say that a wet ballot is an indication of fraud.”

 

 

COMELEC

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

RECOUNT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with