^

Bansa

Ex-DPWH Sec. Singson, 33 pa kinasuhan ng plunder

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-DPWH Sec. Singson,  33 pa kinasuhan ng plunder

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng Ombudsman ng graft at plunder si dating  Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at 33 pang opisyal ng gobyerno kaugnay ng umano’y right-of-way scam sa General Santos City.

Ang kaso ay base sa exposé ng isang  Roberto Catapang na nagbigay ng impormasyon sa right of way scam sa General Santos City na nakasaad sa isang sulat kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong nakaraang taon.

Sa impormasyon, sinasabing si Singson at dating Budget secretary Florencio Abad at iba pang opisyales ng iba’t tanggapan ng gobyerno ay nagsabwatan umano at nakinabang sa proyekto gamit ang pekeng titulo ng lupa na nakapangalan sa mga taong hindi naman matagpuan at hindi nakikita.

Sinabi ni Aguirre na ang modus operandi ng sindikato rito ay ang pag-claim sa bayad ng gobyerno sa inaangking lupa na maaapektuhan ng road right of way (RROW) para sa isang  national highway construction sa GenSan. Sa proyektong ito ay sinasabing kumita si Singson ng P8.7 bilyon.

Sa kasong naisampa kahapon sa Ombudsman, hindi pa kasama rito si Abad dahil maaari itong maisama sa second batch ng mga personalidad na kakasuhan din ng NBI  kaugnay ng naturang anomalya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with