^

Bansa

Deadly HIV kumakalat

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Deadly HIV kumakalat
Ayon sa Department of Health (DoH), 10 por­syento ng 500 HIV patients ay hindi na tinatalaban ng gamot.
Andy G. Zapata Jr.

5 years lang patay ka

MANILA, Philippines — Isang mas nakamamatay na HIV virus ang kumakalat ngayon na puwedeng pumatay sa biktima sa loob lang ng limang taon.

Ayon sa Department of Health (DoH), 10 por­syento ng 500 HIV patients ay hindi na tinatalaban ng gamot.

Paliwanag ni Dr. Edsel Salvaña, director ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (NIMBB), naging drug resistant na ang HIV virus na nagi­ging full-blown HIV-AIDS sa loob lamang ng 5 taon.

Ayon kay Salvaña, isa sa dahilan ng pag-mutate at pagiging drug resistant ng virus ay dahil hindi tuloy-tuloy ang pag-inom ng gamot ng mga pasyente.

Bukod pa rito, may mga pasyente rin aniyang sa simula pa lamang ay hindi na epektibo ang HIV treatment dahil drug resistant virus na agad ang naipasa sa kanila.

Ikinababahala pa ni Salvaña ang pagbabago ng HIV strain sa Pilipinas kung saan 75 percent sa mga HIV positive ang may subtype A-E habang 25 percent naman sa subtype B.

Mas agresibo umano ang subtype A-E na posibleng maging AIDS sa loob lamang ng limang taon.

Dagdag ni Salvaña, problema pa na ang available HIV treatment sa bansa ay para sa subtype B.

Samantala, tiniyak naman ni Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy na tinututukan ng ahensiya ang nasabing pag-aaral at patuloy na maghahanap ng mga bagong paraan para sa HIV treatment.

DEPARTMENT OF HEALTH

HIV VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with