^

Bansa

Drug case vs Kerwin Espinosa at Peter Lim, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Drug case vs Kerwin Espinosa at Peter Lim, ibinasura
Ito ay may kaugnay sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 na isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa illegal drug trade sa Visayas Region. 
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ibinasura ng National Prosecution Service (NPS) ng Dept. of Justice (DOJ)  ang kaso laban sa  sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa at Peter Lim kaugnay ng kinakaharap nitong drug case.

Ito ay may kaugnay sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 na isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa illegal drug trade sa Visayas Region.

Sa 41-pahinang resolusyon na pirmado ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan, ibinasura rin ng DOJ ang kaso laban sa iba pang respondents na kinabibilangan nina Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.

Ang nasabing resolusyon ay sasailalim sa automatic review ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ang kaso ay matatandaang base sa ibinigay na testimonya ng witness na si Marcelo Adorco, dating tauhan ni Espinosa na ibinulgar na sina Lim at Co ang supplier ng droga ng Espinosa Drug Group.

Pero ayon sa NPS, bukod sa hindi magkakatugma ang mga ibinigay na impormasyon ni Adorco, itinuring din nila na self-serving  ang testimonya nito dahil wala ipirinisinta ang PNP-CIDG na corroborating statement.

vuukle comment

DEPT. OF JUSTICE

DRUG CASE

DRUG LORD

KERWIN ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with