2 babae namomolestiya kada araw sa Maynila
MANILA, Philippines — Naalarma si Sen. Risa Hontiveros ngayong Martes sa ulat na dalawang babae ang nakararanas ng panggigipit o namomolestiya bawat araw sa Maynila.
“In Manila alone, according to police reports, there are two women who get harassed everyday. So in a week, the number of women who get harassed and abused is 14,” wika ni Hontiveros na siyang Chairperson of the Senate Committee on Women.
“If we multiply that number to months and even an entire year, we will arrive at a very alarming and nightmarish statistic,” dagdag ng senadora.
Nanggaling ang datos na sinabi ni Hontiveros sa Manila Police District (MPD).
BASAHIN: 'Sexism' sa ilalim ng administrasyong Duterte sumisiklab – Hontiveros
Sinabi ni Hontiveros na kabilang sa mga uri ng pangha-harass na naitala ang pagiging mahalay, sexual harassment, panggagahasa at karahasan laban sa mga kakaibahan.
Dagdag ng senadora na madalas mangyari ang mga insidente pagkatapos ng oras ng trabaho o sa madaling araw.
Nauna nang nagbabala si Hontiveros sa pagsiklab ng malawakang kultura ng “sexism” sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga pahayag ng pangulo laban sa mga kababaihan.
"We are witnessing an outbreak of sexism and misogyny under this two-year old administration. In all three branches of the government, we are seeing an epidemic of sexism that is state-sponsored, brazen and relentless," banat ni Hontiveros.
Patuloy ni Hontiveros na kada buwan ay mayrooong isang “sexist” na pahayag si Duterte.
Samantala, hindi din aniya kabilang sa mga nasabing mga kaso ang pangmo-molestiya o pang-aabuso dahil lamang sa kasarian.
Binigyang-diin din ng senadora na posible pang tumaas ang bilang ng naturang mga kaso hangga’t walang batas na pumoprotekta laban sa gender-based na harassment sa mga pampublikong lugar.
“To be fair, I believe that our police force is doing its best to protect our women. But because there is no existing national policy that identifies other forms of gender-based street harassment and will aid our authorities in preventing such abuses, the number can actually be higher," sambit pa ni Hontiveros.
Dahil dito, layunin ng kanyang isinusulong na Senate Bill No. 1326 o ang Safe Streets and Public Spaces Act of 2017 na maparusahan ang pangmo-molestiya dahil sa kasarian sa mga pampublikong lugar.
“Through this measure, we hope to progressively change the people's language habits, prevent different forms of gender-based harassment and convince the public of the positive effects of gender-sensitive expression," pahayag ni Hontiveros.
- Latest