^

Bansa

Alvarez 'suko' kay Sara Duterte

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Alvarez 'suko' kay Sara Duterte

Hindi nagkomento si House Speaker Pantaleon Alvarez nang tanungin ukol sa mga banat ni presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio. File photo

MANILA, Philippines — Tikom ang bibig ni House Speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa maaanghang na salita na binitiwan ng presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio laban sa kanya.

Sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Butuan nitong Biyernes, hindi nagkomento si Alvarez nang tanungin ukol sa mga banat ni Duterte-Carpio.

“No comment na ako diyan. Surrender. Huwag na nating pag-usapan 'yan,” wika ni Alvarez.

Nag-ugat ang alitan ng dalawa matapos bumuo ng regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) si Duterte-Carpio na hiwalay sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan kung saan miyembro ang kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sinabi ni Alvarez na ang partido ay produkto ng political dynasty.

Tinawag din ng kongresista si Duterte-Carpio na bahagi ng “oposisyon” dahil sa binuo nitong partido, bagay na ikinainit ng ulo ng alkalde.

“How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl,” ani Duterte-Carpio.

Dagdag pa ng nairitang alkalde na mas magiging maayos ang pamumuno ni Duterte kapag wala sa puwesto si Alvarez.

Iginiit naman ng lider ng kamara na wala siyang sinabi ukol sa pagiging bahagi ng opisosyon ni Duterte-Carpio.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling yung kwento na 'yan pero wala akong sinasabi na part ng opposition. Panong magiging part of the opposition eh part ng administration 'yan?” paliwanag ni Alvarez.

Nagpasaring din si Duterte-Carpio na mismong si Alvarez ang tila nasa oposisyon matapos sabihin ng mambabatas na kaya niyang patalsikin ang pangulo mula sa kanyang puwesto.

“Sabi mo in a crowd, ‘President iba siya, Speaker ako, I can always impech him!’ And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth,” pagpapatuloy ng alkalde.

Pinabulaanan naman ni Alvarez na nais niyang ma-impeach si Duterte.

“Hindi. Imposible kong sabihin yan. I never said that,” sambit ni Alvarez.

Umugong naman ang posibilidad na maaaring si Duterte-Carpio ang susunod na speaker ng kamara matapos na rin nitong kumpirmahin na balak niyang tumakbo bilang kongresista.

“Dalawa lang naman ang pupuntahan ko... Definitely, I will not run for senator so it's just city mayor or congressman," pahayag ni Duterte-Carpio.

“Well everything is up in the air right now. We will discuss in the party what is best for Davao region,” dagdag ng batang Duterte.

Samantala, dumistansiya naman ang pangulo sa bangayan ng dalawa at sinabing ito ay intriga lamang ng media.

DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE-CARPIO

HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with