Cardinal Vidal pumanaw na
MANILA, Philippines — Pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa edad na 86.
Binawian ng buhay ang Cardinal sa isang ospital sa Cebu City dahil sa komplikasyonbg dulot ng pneumonia.
Nakaraang linggo nang isugod sa ospital si Vidal dahil sa lagnat at hirap sa paghinga na humantong sa pagkaka-comatose nito.
Matatandaang dahil din sa pneumonia kaya labas-masok sa ospital ang Cardinal noong 2014.
Si Vidal ay isa sa mga itinuturing na pinaka-maimpluwensyang taong simbahan sa bansa.
Nagsilbi siyang arsobispo ng Cebu sa loob ng 29 na taon bago ito nagretiro noong 2011.
Dahil sa pagpanaw ni Vidal, tatlo na lamang ngayon ang natitirang buhay na senior cardinals sa bansa na kinabibilangan nina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cotabato Archbishop Orlando Quevedo.
Nakiramay naman si Pangulong Duterte sa pagpanaw kahapon ni Cardinal Vidal.
Magugunita na matapos magwagi si Pangulong Duterte at maupo sa Malacañang ay nag-courtesy call si Cardinal Vidal sa chief executive.
- Latest