^

Bansa

Mocha Uson kinasuhan ni Trillanes sa ‘fake news’

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mocha Uson kinasuhan ni Trillanes sa ‘fake news’

Sinampahan sa tanggapan ng Ombudsman ng kasong administratibo at anim na  kasong kriminal ni Senador Antonio Trillanes IV si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahilan sa umanoy mga banat sa kanya ng huli na anya’y mga ‘pekeng balita’ na may kinalaman sa bank accounts ng mambabatas. File

MANILA, Philippines — Sinampahan sa tanggapan ng Ombudsman ng kasong administratibo at anim na  kasong kriminal ni Senador Antonio Trillanes IV si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson dahilan sa umanoy mga banat sa kanya ng huli na anya’y mga ‘pekeng balita’ na may kinalaman sa bank accounts ng mambabatas.

Sinabi ni Trillanes ang mga kaso na naisampa niya kay Uson ay kinabibilangan ng grave miscount para sa kasong administratibo at sa mga kasong kriminal ay ang  3 counts ng cyberlibel; graft case dahil sa paggamit ng posisyon ni Uson para umano’y makapanira, paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Ethics for Public Employees and Officials dahil sa patuloy na pagtupad sa propesyon magtanghal at  falsification of documents.

Binigyang diin ni Trillanes na sa ngayon, ang lahat ng magkakalat ng pekeng balita ay pinaparusahan ng batas kayat  dapat anyang maghinay-hinay ang publiko sa paglalagay ng mga kung anu-anung isyu na walang basehan o fake news.

Nais din ni Trillanes na masibak sa puwesto si Uson dahil sa naisampang kaso.

Una nang nai-post ni Uson sa kanyang social media account ang litrato ng bank account ni Trillanes sa Singapore.

Una nang nagtungo ang senador sa Singapore at makaraan nitoy nagsabing wala siyang anumang bank account sa naturang bansa.

Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na talagang may account sa abroad ang mambabatas. Inimbento at sInadya lamang umano niya na baguhin ang bank account number sa  sinasabing account ni Trillanes sa Singapore para umano mahuli ito.

Samantala, inihayag kahapon ng Malacanang na karapatan ni Sen. Trillanes na magsampa ng anumang kaso laban kay Uson.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media briefing sa Malacanang, malaya si Sen. Trillanes na magsampa ng kaso.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with