^

Bansa

‘Bahala na si Lord sa akin’ - Mabilog

Gemma Garcia at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Bahala na si Lord sa akin’ - Mabilog

Kasabay ng flag ce­remony sa Iloilo City Hall kahapon ng umaga, napaiyak ang alkalde nang hinarap ang mga kawani ng lungsod. Mabilog Facebookpage

Sa pagkakatalaga kay Espenido sa Iloilo

MANILA, Philippines - Ipinauubaya na sa Diyos ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang kanyang buhay makaraang italaga ni Pangulong Duterte si Chief Insp. Jovie Espenido bilang bagong hepe ng pulisya sa lungsod.

Kasabay ng flag ce­remony sa Iloilo City Hall kahapon ng umaga, napaiyak ang alkalde nang hinarap ang mga kawani ng lungsod.

Hindi raw niya maintindihan kung ano ang nangyari dahil noong nakaraang linggo lang ay sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na “hot bed” ng iligal na droga ang Iloilo ngunit ngayon ay itinalaga naman sa Iloilo si Espenido.

Kaugnay nito, nais na makipagkita ni Mabilog kay Pangulong Duterte upang maipakita umano ang kanyang mga hakbang na ginagawa para labanan ang iligal na droga sa kanilang lungsod.

Nilinaw din ng alkalde na hindi siya gumagamit ng iligal na droga at wala siyang pinoprotektahan na kahit sino na may kinalaman dito.

Simula anya ng umarangkada ang giyera kontra droga ni Pangulong Duterte ay wala nang natitirang high value target sa kanilang lungsod dahil napatay na ang mag-asawang Melvin at Meriam Odicta at nakakulong na rin ang kanilang mga ga­lamay.

Sabi naman nina Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin at Magdalo Partylist Rep. Garry Alejano. nasa panganib na umano ang buhay o hindi ligtas si Mayor Mabilog ngayong ang tinaguriang ‘hatchet’ man ng administrasyon sa kampanya kontra droga sa katauhan ni Espenido ang itinalaga bilang bagong hepe ng pulisya sa lungsod.

Wika ni Villarin, hindi ligtas si Mabilog na ngayon ay nagdarasal na para sa kaniyang buhay.

Si Espenido ay dating hepe ng Albuera, Leyte nang mapatay si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa drug raid sa Baybay City Sub-Provincial Jail noong Nobyembre 2016.

Matapos namang ilipat si Espenido sa Ozamiz City ay napaslang sa ma­dugong raid ng mga tauhan nito si dating Mayor Reynaldo “Aldong “ Parojinog, misis nito at 15 pa katao nitong Hulyo 30.

Sina Espinosa, Paro­jinog at Mabilog ay pa­wang tinukoy ni Pangulong Duterte na nasa drug list ng mga umano’y narco-politicians bagay na itinanggi ng mga opisyal.

Ayon naman kay Alejano, sinabi nito na hindi ‘coincidence’ o nagkataon lang ang pagtatalaga kay Espenido sa Iloilo City na isa sa mga umano’y hotbed ng droga na inaasa­hang susunod na target ang mga drug lord sa lung­sod.

Sinabi ni Alejano na sob­rang nakababahala ang pagtatalaga kay Espenido sa Iloilo City lalo pa nga at tila nagbigay ng warning o babala si Pangulong Duterte laban kay Mabilog kung mabuhay pa kaya ito ngayong ang nasabing opisyal ng pulis­ya na ang bagong hepe.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with