^

Bansa

Faeldon, BoC officials pinakakasuhan ng House committee

Butch Quejada at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Irerekomenda ng House committee on dangerous drugs ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay dating Bureau of Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BoC). 

Sinabi ni committee chairman Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na natukoy nila na mayroong “tara system” sa loob ng BoC dahilan kaya nakalusot sa ahensya ang aabot sa 605 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon. 

Ayon kay Barbers, nagpulong ang naturang komite para pag-aralan ang draft committee report sa imbestigasyon hinggil sa nakalusot na P6.4 billion halaga ng shabu.

Tinukoy ni Barbers ang privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson na tumanggap si Faeldon ng P100 M ‘welcome pasalubong‘ sa pag-upo nito sa BoC at kabilang sa mga tumatanggap ng P10,000 hanggang P15,000 kada container na dumaraan sa tanggapan nito.

Sinabi ni Barbers na may seryosong pananagutan sa kasong administratibo at kriminal sina Faeldon.?“Nakakatakot ito dahil 600 kilo lang itong nahuli,” ani Barbers.

Sa pagtaya ng House Committee on Ways and Means ay tinatayang aabot sa P22 B hanggang P25 bilyon pang shabu ang nawawala at pinaghahanap.

Kabilang sa isasampang reklamo laban kina Faeldon ay paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. ?Irerekomenda rin ng komite sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong falsification of documents laban sa chief of staff ni Faeldon na si Atty. Mandy Therese Anderson.

Nabatid na nilagdaan ni Anderson ang Daily Time Records (DTRs) ng mga basketball at volleyball players na kinuha ng BoC bilang umano’y mga Technical Assistants at Counter Intelligence Analysts pero para lamang sa sports cup ng ahensya ang magiging trabaho ng mga ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with