8 dayuhang terorista nasa bansa
MANILA, Philippines - Walong dayuhang terorista na ang mga nationality ay Indonesian, Malaysian at Singaporean ang kasalukuyang nasa bansa. Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa isang briefing sa House of Representatives kahapon. Ayon pa kay AFP Chief of Staff General Eduardo Ano, nagtatangka ang Abu Sayyaf na magpakawala ng tinatawag na sleepers sa labas ng Central Mindanao para palabasin na malawak ang kanilang presensiya. Kahit ang Metro Manila umano ay palaging target ng ASG na pamugaran subalit nagagawa ng mga otoridad na durugin ito. Base sa intelligence, nananatili lamang sa Central Mindanao partikular na sa Lanao ang base ng bandidong grupo.
- Latest