‘Lobby money’sa CA pinabubusisi
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na paimbestigahan ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumana umano ang “lobby money” kaya hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si dating Environment secretary Gina Lopez.
Ayon kay Drilon, dapat magkaroon ng imbestigasyon dahil apektado nito hindi lamang ang CA kung hindi maging ang mga miyembro lalo na ang mga hindi bomoto ng pabor sa kumpirmasyon ni Lopez.
Matatandaan na sa isang talumpati ng Pangulo sa Davao City, sinabi nito na sayang si Gina pero gumana umano ang lobby money.
Matatandaan na kabilang si Drilon at iba pang miyembro ng Liberal Party (LP) sa Senado na bomoto ng pabor sa kumpirmasyon ni Lopez.
Pero naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi maaaring imbestigahan ng Senado o maging ng House of Representatives ang CA dahil sa problema ng jurisdiction.
- Latest