^

Bansa

Lupa na nirentahan ng Tadeco ipamahagi na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanawagan ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) sa pamahalaan ni Pangulong Duterte na malayang ipamahagi ang may 5,300 ektaryang lupa na nirentahan ng Tagum Agricultural Development Co. (Tadeco) sa gobyerno matapos balewalain ni Solicitor General Jose Calida ang joint venture agreement (JVA) nito sa Davao Penal and Prison Farm (DPPF).

Ang Tadeco ay pag-aari ng pamilya ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr.

Ang DPPF ay dating kilala sa tawag na Davao Penal Colony (Dapecol). Bukod dito, ang Tadeco ay nagawang ariin ang may 3,500 ektaryang public lands na kasalukuyan pang pinagtatalunan ng mga original settlers.

Sinabi ni Danilo Ramos, UMA secretary general, na ang mga magsasaka ay matagal ng pagod sa pagsasaka sa plantasyon ng sa­gingan simula pa noong 1969, at dapat lang na makinabang din sa mga lupaing ito dahil ang ilan sa kanila ay dekada ng nagta-trabaho rito.

Ayon sa ulat, ginawang trabahador ng TADECO ang mga bilanggo sa plantasyon pero ito’y inangalan ng mga Japanese buyers nito.

‘These should also be given freely as enunciated in the recent peace talks between the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the National Democratic Front of the Philippines (NDFP),’ anila.

TADECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with