^

Bansa

Duterte may meeting kina Bolkiah at Widodo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng bilateral meeting sa susunod na linggo si Pangulong Duterte kina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at President Joko Widodo ng Indonesia.

Inihayag kahapon ni ASEAN 2017 National Organizing Council (NOC) director general for operations Marciano Paynor na ang meeting ng Pangulo sa lider ng Brunei ay gagawin sa Abril 28 at sa Abril 29 ang sa lider ng Indonesia.

Maging ang lider umano ng Laos ay nag-request na rin na magkapag-courtesy call kay Duterte.

Makakasama rin ni Duterte si Widodo sa paglulunsad ng Davao-General Santos-Bitung Ro-Ro sea linkage route sa Abril 30 sa Davao.

Magsasagawa rin ang Pangulo ng isang gala dinner para sa mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang 10 lider ay magmi-meeting sa Philippine International Convention Center (PICC) at magkakaroon ng retreat sa Coconut Palace. 

Tiniyak ni Paynor na mas magiging mahigpit ang seguridad matapos ang nakaraang insidente sa Bohol kung saan nakalaban ng mga sundalo ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group. (ASG).

“So we try as much as we can to --- so-called hardened tar --- hardened venues et cetera, in our security preparations. Keeping in mind also the President’s directive that we should not hamper or hinder the normal flow of daily activities here in the Metro Manila area,” pahayag ni Paynor.

 

SULTAN HASSANAL BOLKIAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with