^

Bansa

Social media nakakabuwang - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pag­ka­bahala ang Department of Health sa posibleng paglala at pagdami ng mga kabataan na may problema sa pag-iisip   dahil sa pagkahumaling sa social media.

Ayon kay DOH spokesman Eric Tayag, habang ang social media ay isang paraan para kumonek tayo sa ibang tao, mayroon din itong negatibong epekto.

Sabi ni Tayag, marami ngayong kabataan ang nahuhumaling sa social media na nasasangkot din sa bullying, matinding galit at depresyon. 

Pinagmumulan ng bullying at depresyon ang isyu ng pag-ibig, same relationship, unplanned pregnancy, problema sa eskuwelahan, pamilya at health problems.

Kabilang sa sintomas na dumaranas ng depresyon ang isang tao ay ang hindi na ginagawang normal na aktibidad sa araw-araw tulad ng paliligo, hindi pagkain, laging malulungkutin at hindi masyadong makausap.

Ang sobrang depresyon ay dinadala ng mga kabataan sa pamamagitan ng social media na humahantong naman sa bullying. Bagama’t nag-uugnay ang social media, iba naman ang dating nito sa mga may diperensiya sa pag-iisip.

Ang hakbang ng kagawaran ay tugon sa report ng World Health Organization na tumaas ng 18 porsiyento ang bilang ng mga nakaranas ng depression sa buong mundo mula 2005 hanggang 2015 na nagreresulta sa pagpapakamatay.

Kahapon ay ipinagdiriwang ng WHO ang World Health Day na nakatuon sa paano magagamot ang problema sa depresyon. Nagagamot ang depresyon sa pamamagitan ng counselling.

Sa datos noong 2005, 280 million ang nakaranas ng depresyon habang noong 2015 ay 332 million, na banta sa mga kabataan at hindi rito ligtas ang Pilipinas.

Sa record ng HOPE Line ng DOH, noong 2016 umabot sa 3,479 ang tawag na kanilang natanggap na may kinalaman sa depresyon, pinakamarami noong Nobyembre, Dis­yembre (2016) at Pebrero ngayong taon.

Sinabi naman ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na nag­laan ang DOH ng P100 milyong pondo upang matugunan ang suliranin sa mental illness.

vuukle comment

ERIC TAYAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with