^

Bansa

Singaporean couple na nagmaltrato sa Pinay kulong, pinagmulta!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kulong at pinagmulta ng korte ang mag-asawang Singaporean dahil sa pananakit at pagmamaltrato sa kanilang Pinay na kasambahay sa Singapore.

Sinentensyahan ang negosyanteng si Lim Choon Hong, 47, ng tatlong linggong pagka-bilanggo at pinagmumulta ng P359,000 o $10,000 habang ang kanyang misis na si Chong Sui Foon, 47, ang hinatulan ng pagkakakulong ng tatlong buwan dahil sa serye ng pananampal at pananakal sa Pinay na si Thelma Oyasa Gawidan, 40-anyos.

Sa kabila nito, hiniling ng prosekusyon na mas mabigat na sentensya ang igawad sa mag-asawa na nakalabas sa kulungan matapos makapagpiyansa ng $3,000 o P107,800.

Hinatulan si Lim noong Marso 2016 dahil sa paglabag sa Employent of Foreign Manpower Regulations 2012 na nag-aatas ng pagbibigay ng tamang kompensasyon, tamang pagkain at pagpapagamot sa kanilang domestic helper. Napatunayan naman ng korte na guilty si Chong na nakiisa sa kanyang mister sa pagmamaltrato kay Gawidan.

Pinakakain lamang ng dalawang beses kada araw ng noodles at maliit na gulay ang Pinay ng kanyang mga amo sa kanilang tinutuluyan sa Boulevard Residence, sa Cuscaden Walk, dahilan upang bumagsak ang katawan ng Pinay sa 29 kilo mula sa 49 kilo sa loob ng 15 buwang pagsisilbi sa mga amo.

Pinagbawalan din si Gawidan na gumamit ng comfort room habang humihingi pa siya ng permiso bago uminom ng tubig. Kapag naliligo ay binabantayan pa umano siya ng among babae.

Tumigil ang menstruation umano si Gawidan dahil sa kahinaan ng katawan hanggang sa malagas ang kanyang buhok.

vuukle comment

LIM CHOON HONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with