^

Bansa

OFW patay sa gulpi ng amo sa Kuwait

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
OFW patay sa gulpi ng amo sa Kuwait
Si Santiago ay idi­neklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Kuwait dahil sa matinding mga sugat at pasa sa buong katawan sanhi ng pambubugbog ng among lalaki dakong alas-10:15 ng gabi noong Enero 25, ang araw din na binitay ang OFW na si Jakatia Pawa sa nasabing bansa.
File photo

MANILA, Philippines – Isa na namang overseas Filipino worker ang namatay matapos ang matinding panggugulpi ng kanyang employer sa Kuwait, ayon sa Embahada ng Pilipinas kahapon.

Kinilala ng Embahada ang Pinay domestic helper na nasawi na si Amy Capulong Santiago, 33-anyos, tubong Tarlac.

Si Santiago ay idi­neklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Kuwait dahil sa matinding mga sugat at pasa sa buong katawan sanhi ng pambubugbog ng among lalaki dakong alas-10:15 ng gabi noong Enero 25, ang araw din na binitay ang OFW na si Jakatia Pawa sa nasabing bansa.

Sa ulat, agad na ina­resto ng mga awtoridad ang among lalaki ni Santiago habang sumuko ang amo nitong babae matapos ang insidente.

Ipinaalam na ng Embahada sa pamilya ni Santiago ang sinapit ng huli at nagpahatid na rin sila ng pakikiramay kasabay ng pangako na tututukan nila ang kaso ng nasa­wing Pinay.

Si Santiago ay nagtungo sa Kuwait bilang household service worker noong Agosto 2015.

Dahil dito, muling tumaas ang panawagan na ipatupad na ang moratorium o pansamantalang deployment ban sa mga OFWs sa Kuwait.

Inirekomenda na ni Phl Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa sa Department of Foreign Affairs ang pansamantalang suspensyon  sa pagpapadala ng mga household service workers sa Kuwait.

vuukle comment

AMY CAPULONG SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with