^

Bansa

BOC sinisi sa iligal na paputok

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinisisi ng isang kongresista sa Bureau of Customs (BOC) ang patuloy na bentahan ng iligal na paputok.

Ayon kay Antipolo Rep. Romeo Acop, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, dahil sa kapabayaan ng BOC kaya laganap pa rin ang mga iligal na paputok sa bansa.

Sa nakalipas na pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, lumabas na smuggled o iligal ang pagpasok sa bansa ng mga imported na paputok at pyrotechnic products.

Bumabaha umano ito kapag ganitong panahon ng kapaskuhan kaya naman naglipana kahit sa mga bangketa. Giit ni Acop na ang BOC ang siyang first line of defense pagdating sa pagpasok ng mga iligal na paputok sa bansa. Idinagdag pa nito na alinsunod sa batas, alinman sa mga law enforcement agency ay maaring umaksyon laban sa mga smuggled firecrackers.

Lubos din nababahala ang kongresista sa epekto nito sa mga lokal na manufacturing company gayundin sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan dahil hindi dumadaan sa safety and quality standards inspections ang mga imported na paputok.

CRIZTIAN PITT LAURENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with