^

Bansa

US troops ligtas sa Mindanao - AFP

Joy Cantos at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kaligtasan ng US troops na nasa bansa partikular na sa Mindanao.

Ito’y sa gitna na rin ng pangamba ni Pangulong Rodrigo Duterte na baka makidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at targetin din ng iba pang mga rebeldeng Muslim ang mga US servicemen sa nasabing rehiyon.

Sa tala, nasa 107 ang tropang Amerikano sa Mindanao na nasa himpilan ng AFP-Western Mindanao Command sa Zamboanga City .

Ayon kay Lorenzana, hindi high value targets (HVT) ng mga bandidong Abu Sayyaf at iba pang teroristang grupo sa Mindanao ang US troops.

Idinagdag ng Kalihim na may sapat na ‘precautionary measures’ ang US troops  at protocols na sinusunod upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga ito.

Ang mga sundalong Kano ay tumutulong umano sa Filipino counterparts nito sa intelligence, surveillance at reconnaissance sa paglaban kontra terorismo.

“They were equipped enough to protect themselves (US forces),” anang Kalihim.

Naniniwala si Lorenzana na hindi magiging target ng pag-atake ng mga Moro  ang US forces dahil sa lumang kasaysayan noong 1906 sa umano’y pagmasaker ng mga sundalong Amerikano sa mga Moros. Aniya, ang US troops sa Mindanao ay nasa loob lamang ng kampo at lumalabas lamang sila kapag nagtutungo sa Maynila at kapag nagbabakasyon naman ay armado upang bigyang proteksyon ang kanilang mga sarili.

Sinabi rin ni Lorenzana sa budget briefing ng DND sa Kamara na mga combatant ang mga sundalong Kano sa Mindanao kaya handa sila sa anumang panganib.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with