^

Bansa

PNP nagkukumahog na vs anti-drug campaign

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato”dela Rosa na nagkukumahog na ang kaniyang mga tauhan na hindi lamang triple kundi ‘quadruple’ ang ginagawang pagtratrabaho upang tuldukan ang problema sa droga sa loob ng nalalabi na lamang mahigit tatlong buwang palugit.

 Una nang binigyan ng anim na buwan o hanggang Disyembre ng taong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP para mawakasan na ang paglaganap ng droga sa bansa .

  “We can’t afford to fail the President in his campaign promise to eradicate the drug problem, criminality and corruption within 6 months,” pahayag ni Dela Rosa sa kaniyang talumpati sa himpilan ng Cordillera Police sa La Trinidad, Benguet.

 “We are now running out of time, two months have passed already. In the remaining four months, I hope we will not only double, triple, or quadruple our efforts in order to hit the target”, ayon pa kay Dela Rosa na sina­bing hindi maaring biguin ng PNP ang sambayanang Pilipino sa minimithi ng mga  itong ‘drug free’ sa lugar na kanilang ginagalawan.

Nabatid na nasa 1.8 mil­yon ang bilang ng mga drug users na target pasukuin sa batas ng PNP.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 600,000 pa lamang ang mga sumusukong drug user sa  PNP sa ‘Oplan Tokhang’ sa ilalim ng Oplan Double Barrel o ang pi­naigting na kampanya kontra droga ng administrasyon.

Samantalang pinayuhan rin ng PNP Chief ang kaniyang mga tauhan na huwag madidismaya sa mga pambabatikos sa anti –drug campaign at sa halip ay gawin lamang ang kanilang mga trabaho basta’t naayon ito sa batas at karapatang pantao.

Nabatid na sa tala ng PNP ay nasa 929 ng drug pushers ang napatay simula Hulyo 1 sa pag-upo ni Pa­ngulong Duterte sa puwesto hanggang alas-6 ng uma­ga nitong Setyembre 1 ng taong ito.

 Naitala naman sa 13, 247 mga drug suspect ang  nasakote sa serye ng ope­rasyon ng mga awtoridad.

Sa rekord pa ng PNP, nasa 629,229 namang drug personality ang sumuko kabilang ang  41, 458 drug pu­shers habang nasa 582,134 namang kabahayan ang naisailalim sa Project Tokhang o ang pagkatok  sa mga kabahayan upang pasukuin ang mga pinaghihinalaang drug pushers at users.

DEPARTMENT OF VETERINARY MEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with