Ex-VP Binay nagpiyansa sa patong-patong na kaso
MANILA, Philippines - Naglagak ng piyansa Sandiganbayan kahapon si dating Vice President Jejomar Binay ng halagang P376,000 sa Sandiganbayan para pansamantalang makalaya kaugnay ng kasong graft, malversation at falsification of public documents na may kinalaman sa umano’y overpriced na pagtatayo ng P2.28-billion Makati City Hall Building 2.
Si Binay ay nagpiyansa kahapon ng hapon sa pamamagitan ng kanyang abogado makaraang magdesisyon ang Sandiganbayan En Banc na ilagak ang kaso sa Third Division chaired Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.
Ang piyansa ni Binay ay kinapapalooban ng P120,000 para sa apat na counts ng graft o P30,000 bawat isa, P216,000 para sa 9 counts ng falsification o P24,000 bawat count at P40,000 para sa isang count ng malversation.
Kasama ni dating VP Binay na nasampahan ang anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay sa mga kasong malversation at dalawang graft case. Hindi pa naglalagak ng piyansa ang nakababatang Binay.
Ayon sa Ombudsman, nagkaroon ng anomalya sa pagtatayo ng naturang building dahilan sa walang naganap na bidding nang e-award ang kontrata sa Mana Architecture and Interior Design, Co. (MANA) para sa design ng Makati City Hall Building II project.
Ayon kay si Atty. Daniel Subido, abogado ni Binay, handang humarap at magtungo sa korte ang dating bise presidente upang patunayan na mayroong “grave abuse” sa panig ng Ombudsman at upang maibasura ang kaso. Aniya, nilabag ng Ombudsman ang constitutional rights ni Binay .
Kaugnay nito, mismong si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotahe-Tan ang hahawak sa mga kasong criminal at graft na inihain laban kay dating VP Binay kaugnay sa umanoy maanumalyang konstruksyon ng P2.28 bilyon Makati parking building.
- Latest