^

Bansa

Distribusyon ng komite sa Senado inilantad ni Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ni Sen. Vicente Sotto III ang inisyal na listahan ng committee chairmanship sa Senado sa pagbubukas ng 17th Congress sa July 25.

Aniya, siya ang magiging Senate majority leader habang si Sen. Franklin Drilon naman ang magiging Senate President Pro-Tempore sa sandaling mailuklok si Sen. Koko Pimentel bilang Senate president.

Sinabi pa ni Sotto, bilang majority leader ay siya ang mamumuno sa senate committee on rules ng Mataas na Kapulungan.

Ang listahan ng bagong committee chairmanships ay sina Sen. Gringo Honasan, chairman ng Senate defense committee; Sen. Panfilo Lacson, public order; Sen. Nancy Binay, tourism chair; Sen. Manny Pacquaio, chairman ng public works; Sen. Loren Legarda, finance committee; Sen. Win Gatchalian, local government; Sen. Grace Poe, public services; Sen. Drilon, chair ng committee on banks; Sen. Bam Aquino, education; Sen. Sonny Angara, ways and means; Sen. Kiko Pangilinan, agriculture; Sen. Risa Hontiveros, health committee; Sen. Joel Villanueva, labor committee; Sen. Leila de Lima, justice committee.

Nais namang ibigay ni Sen. Pimentel ang pamumuno sa Senate blue ribbon committee kay Sen. Alan Peter Cayetano kapag sumama siya sa majority group habang piniling manatili sa minority group ni Sen. Chiz Escudero.

Naunang ibinunyag ni Drilon na may suporta ng 17 senador si Pimentel upang iluklok bilang Se­nate president sa pagbubukas ng sesyon sa susunod na buwan.

ALBERTO ALESSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with