‘Tanim-droga’ sa Grab car, iimbestigahan
MANILA, Philippines – Magsasagawa ng imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa insidente ng umano’y “tanim-droga” sa isang Grab car na bumiktima ng dalawang pasahero nito.
Sa reklamo ng pasahero na itinago sa pangalang “Joy”, isang Allan Enriquez Rivera ang pangalan ng driver ng isang Grabcar unit ang kanyang sinakyan kasama ang kaibigan bandang alas-12:20 ng madaling-araw kamakalawa papuntang City of Dreams sa Maynila.
Aniya, isang Mitsubishi Mirage na may conduction sticker NJ-0361 ang nagsakay sa kanila na miyembro ng Grab car hanggang sa sila ay pansamantalang tumigil para mag pa-gas sa Shell Station malapit sa COD. Kasunod nito, nagulat na lamang sila nang biglang sabihin ng driver sa kanila na tinaniman siya ng droga ng dalawa hanggang sa sila ay pababain sa taxi.Upang hindi na umano magreklamo, hiningian ng driver ang dalawa ng P5,000.
Bunsod nito, ipatatawag ng LTFRB ang operator at driver ng nasabing Grab car sa Hunyo 8, 2016, upang magpaliwanag.
- Latest