Robredo ‘di titira sa Coconut Palace
MANILA, Philippines - Matapos tumanggi si President-elect Rodrigo Duterte na tumira sa Palasyo ng Malacañang, wala namang plano si Vice President-elect Leni Robredo na manatili sa Coconut Palace sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Ayon kay Robredo matapos ang pormal na proklamasyon sa Kongreso, masyadong mataas ang renta na halos P500 libo kada buwan kung kaya hindi siya pabor na tumira dito.
Sa mga susunod na araw makikipagpulong ang kampo ni Robredo sa kampo ni incumbent Vice President Jejomar Binay para sa magiging transisyon.
Ngayong siya na ang susunod na VP sa bansa, sasakay pa rin umano si Robredo ng bus pauwi sa Naga subalit iyon nga lang may mga security na siyang kasa-kasama. Aniya, masyado daw kasing mahal ang ticket ng eroplano kung marami sila.
Bagama’t magkakaiba sa ilang pananaw, tiniyak ni Robredo na 100% ang kanyang suporta kay Duterte.
- Latest