Unang bagyo sa Mayo
MANILA, Philippines – Inaasahan na ang pagpasok ng unang bagyo ngayong Mayo, bunga ng patuloy na paghina ng El Niño para bigyang daan ang La Niña.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), malapit ng maglaho ang El Niño at sa kalagitnaan ng 2016 ay papasok ang La Niña.
Sa report ng Pagasa, 23 probinsya ang naapektuhan ng dry spell habang 28 probinsya, karamihan ay mula sa Mindanao, ang nakaranas ng tagtuyot noong April.
Ang buwan ng Mayo ay nagpapakita ng paghina ng easterlies at gradual na pagsisimula ng pagbuga ng hanging magmumula sa timog kanluran.
Ang iba pang weather systems na maaaring makaapekto sa bansa sa buwan ng Mayo ay ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), easterlies, low pressure areas (LPAs), ridge of HPAs, at zero o isang bagyo na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Inaasahan din anyang madadagdagan ang mga pagkulog pagkidlat sa bandang hapon.
- Latest