Palasyo pumalag sa IFJ report: Pinas pangalawa sa Iraq sa pinaka delikadong lugar sa journalists
MANILA, Philippines – Pumalag ang Malacañang sa International Federation of Journalists (IFJ) report na nagsasabing pumapangalawa ang Pilipinas sa Iraq bilang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.
Sa nasabing IFJ report, lumalabas na mas ligtas pa daw sa mga journalists ang mga bansang halos araw-araw ay may bombahan o karahasan at mga bansang may restriction o pagbabawal sa malayang pamamahayag.
Maliban sa hindi pagtanggap, naghugas-kamay din ang Malacañang sa mga naitalang media killings sa bansa.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang mataas na bilang ng patayang naitala sa Pilipinas ay galing sa Maguindanao massacre noong 2009.
Ayon kay Sec. Coloma, binuwag na ng Aquino administration ang makinarya ng impunity o kawalan ng pananagutan sa pamamagitan ng mga reporma at paglilitis sa mga sangkot sa masaker.
Matapos din daw ang EDSA People Power Revolution, naging bagong bastion o balwarte ng kalayaan sa pamamahayag at press freedom ang Pilipinas kung saan walang pinaiiral na prior restraint o internal security regulations na sagabal sa trabaho ng mga mamamahayag.
- Latest