^

Bansa

Pagsibak sa ex-special prosecutor dahil sa dishonesty, pinagtibay - CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng pagsibak kay Ombudsman special prosecutor Dennis Villa-Ignacio dahil sa serious dishonesty kaugnay ng pamemeke ng ilang dokumento.

Una nang hinatulang guilty ng Ombudsman si Villa-Ignacio noong 2010, ngunit humiling ito na mabaliktad ang nasabing ruling.

Batay sa dalawang pahinang resolusyon ng CA’s 9th division na isinulat ni Associate Justice Myra Garcia-Fernandez at sinang-ayunan nina Associate Justices Fernanda Lampas Peralta at Francisco Acosta, nabigo umano ang dating opisyal na makapaglahad ng mga argumento na maaaring maging dahilan para baguhin ang naunang kautusan.

Nag-ugat ang kaso matapos matuklasang umaabot sa 113 ang mga pagliban nito sa trabaho at 63 araw sa mga ito ay hindi deklaradong official leave.

Nakita rin sa record na ang secretary at anak ni Villa-Ignacio ay lumiban naman ng 166 na araw noong 2008.

ANG

ASSOCIATE JUSTICE MYRA GARCIA-FERNANDEZ

ASSOCIATE JUSTICES FERNANDA LAMPAS PERALTA

BATAY

COURT OF APPEALS

DENNIS VILLA-IGNACIO

FRANCISCO ACOSTA

IGNACIO

KINATIGAN

NAKITA

VILLA-IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with