Poe, Duterte pasok sa balota
MANILA, Philippines – Naglabas na ng panibagong Certified List of Candidates ang Commission on Elections sa pagka-pangulo.
Pasok pa rin sa listahan sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ang kandidatura ay parehong kinukuwestiyon.
Bukod kina Poe at Duterte kasama din sa listahan sina Vice Pres. Jojo Binay; Miriam Defensor Santiago; Mel Mendoza; Grace Poe; Mar Roxas; Roy Seneres at Dante Valencia.
Agaw atensiyon naman ang dalawang bagong pangalan na napasama sa listahan.
Batay sa kanilang mga certificate of candidacy o COC, si Mendoza ay isinilang sa Calapan Oriental Mindoro, nakatira sa Bulacan, 39 years old pero ang kanyang birthdate ay December 6, 1975 kaya siya ay 40 years old na at isa siyang Assistant Project Officer.
Si Valencia naman ay 58 taong gulang, isinilang at nakatira sa Quirino Province at ang kanyang propesyon ay civil engineer at networker.
Nanatili naman sa anim ang mga kandidato sa pagka-bise presidente na kinabibilangan nina Alan Peter Cayetano; Chiz Escudero; Gringo Honasan; Bongbong Marcos; Leni Robredo at Antonio Trillanes IV.
Samantala, ikinatuwa naman ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang pagkakasama sa pangalan ni Poe sa certified list of candidates. Ito’y sa kabila ng dinidinig na disqualification case. Aniya, mas maraming pagpipilian ang publiko at maipakikita ang freedom of choice sa araw ng halalan.
- Latest