^

Bansa

SK law panlaban sa political dynasty

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang magandang simula ang pagsasabatas ng Sangguniang Kabataan Reform Act sa giyera kontra political dynasty sa bansa, ayon kay Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo.

Isa sa mahalagang probisyon ng SK Reform Act ang anti-dynasty kung saan pagbabawalang tumakbo ang mga kamag-anak ng nahalal at nahirang na opisyal bilang miyembro ng SK, hanggang sa tinatawag na second level of consanguinity.

Bukod dito, itinatakda ng SK Reform Act ang pagtatatag ng Local Youth Development Council (LYDC), na siyang tutulong sa mga pinuno ng SK sa pagbalangkas ng mga programa’t proyekto para sa mga kabataan at titiyak sa paglahok ng mas maraming grupo ng mga kabataan.

Ang yumaong asawa ni Robredo na si dating Naga City Mayor Jesse, ang nagtatag ng isa sa mga unang local youth councils sa bansa.

Itinaas din ang edad ng SK officials patungong 18 hanggang 24 taong gulang, upang maging ligal ang pagpasok nila sa mga kontrata at mapapanagot sa kanilang aksiyon.

Kailangan na ring sumailalim sa leadership training programs ang mga SK official upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa pagtupad sa tungkulin.

Mabibigyan na ang SK officials ng kalayaan pagda­ting sa pananalapi dahil sampung porsiyento ng general fund ng barangay ay ilalaan sa Sangguniang Kabataan.

Ang SK Reform Act ang ikalawang panukala ni Rob­redo na inaprubahan ni Pangulong Aquino, kasunod ng Tax Incentives Management and Transparency Act.

ACIRC

ANG

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

LOCAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL

MGA

NAGA CITY MAYOR JESSE

PANGULONG AQUINO

REFORM ACT

SANGGUNIANG KABATAAN

SANGGUNIANG KABATAAN REFORM ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with